
Sen. Bong ayaw nang magbilad ng pwet sa screen
Sa lunch tsikahan with the entertainment press kay Sen. Bong Revilla kamakailan ay natanong ang action star/politiko kung ano ba ang role na hindi pa niya nagagawa.
Napaisip muna si Sen. Bong at pagkatapos ay sinabing parang nagawa na niya lahat.
Biniro siya ng isang miyembro ng showbiz press na hindi pa siya nakakagawa ng movie sa Vivamax. Natawa ang action star at sey niya, “Ay, nagawa ko na ‘yan (daring scenes), nagpakita na ‘ko dati.”
Ang tinutukoy ni Sen. Bong ay ang pelikula niyang Kilabot at Kembot noong 2002, kung saan sa kauna-unahang pagkakataon ay naghubo’t hubad siya sa love scenes nila ni Assunta de Rossi at nagpakita rin siya ng pwet na talaga namang pinag-usapan nang husto noon sa showbiz.
Sey nga ng isa pang writer na naabutan din ang nasabing movie, “Page 1 ‘yun ng lahat ng tabloids noon.”
Sagot naman ni Sen. Bong, “Oo, kung saan-saan lumabas ‘yun.”
Mauulit pa ba niya ang ganu’ng klase ng eksena ngayon?
“Kahit na mas maganda ‘yung pwet ko ngayon, ayoko na,” natatawang sabi ng tinaguriang Titanic Action Star.
Aniya pa, “Once is enough” sabay-tawa.
Anyway, kasalukuyang napapanood si Sen. Bong sa star-studded action-comedy series ng GMA-7 na Walang Matigas Na Pulis sa Matinik na Misis Season 2 tuwing Sunday, 7:15 p.m.
Aniya, siniguro niya na mas maganda itong Season 2, mas maraming pasabog na guests at mas hitik sa action scenes.