
Selena Gomez may bagong kanta
MULING magpapamalas ng galing ang singer na si Selena Gomez.
Sa kanyang social media accounts, isinapubliko nito ang bago niyang kanta na pinamagatang “Single Soon,” na ilalabas sa Agosto 25.
“Y’all have been asking for new music for a while. Since I’m not quite done with SG3, I wanted to put out a fun little song I wrote a while back that’s perfect for the end of summer. SINGLE SOON. August 25th. Presave it now,” paanyaya ng singer.
Matatandaan na ang huling full album ni Selena ay noong 2020 na may pamagat na “Rare.”