Default Thumbnail

Sekyu nalunod, katawan nakuha sa creek

April 21, 2025 Gil Aman 122 views

TODAS ang security guard na umano’y nalunod at nadiskubre ang bangkay sa San Juan River, Brgy. Milagrosa, Calamba City, Laguna noong Linggo.

Isang mangingisda ang nakadiskubre sa biktima na nakalutang sa creek na hinihinalang nalunod bandang alas-5:00 ng hapon.

Nakilala ang biktima na si Rolly Dacuyo, security guard na naka-assign sa Carmelray Industrial Park.

Nakikipag-ugnayan na ang pulisya sa mga kamag-anak ng biktima upang ipagbigay alam ang nangyari.

AUTHOR PROFILE