
Scholarship grant sa mga anak ng OFWs
KAHIRAPAN ang dahilan kung bakit napililitang mangibang bansa ang ating mga kababayan.
Bitbit ang salitang pag-asa, umaasa silang lahat na sana ay mabigyan ng magandang kinabukasan ang kanilang mga anak at pamilya kaya kahit malayo sa piling niia ay magtatrabaho sila sa abroad — ilang taon man iyan!
Maliban sa araw-araw na problema sa hapag kainan, laman din ng isipan ng mga kababayang Overseas Filipino Workers (OFWs) ang mapag-aral ang kanilang mga anak.
Ang problema, hindi naman lahat ng OFW ay may malalaking kita. Karamihan pa nga sa kanila ấy sápat lang o kulang pa sa pamimigay ng pasalubong at blow out sa tuwing bumabalik sila sa bansa.
Kaya nga karamihan sa mga OFWs ay suma-sideline pa ng ibang trabaho. Tinitipid ang sarili, nagsasakripisyo ng malaki, nagtitiis ng mga hirap at hamon sa pagtatrabaho sa malayong dayuhang lupain para makapagtapos ng pag-aaral ang kanilang mahal sa buhay na nasa Pilipinas.
Mabuti’t may scholarship program na inilulunsad ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) taun-taon para sa libreng pag-aaral sa kolehiyo ng mga anak at dependent ng mga OFW.
Lalo na kung ang OFW ay maliit lamang ang suweldo tulad ng domestic helpers, construction workers, factory workers, janitorial services at marami pang iba.
Sa darating na Hulyo 26, 2024 hanggang August 16 ay maaari nang mag-apply ang mga anak at dependent ng mga OFW para sa Education for Development Scholarship Program (EDSP) at OFW Dependent Scholarship Program (ODSP).
Ayon sa OWWA, ang EDSP ay para sa mga anak at dependent ng OFW na 2nd hanggang 5th year college students habang ang ODSP ay para sa mga nasa 1st year to 5th year.
Ang EDSP ay isang scholarship grant para sa kuwalipikadong dependent o kapatid ng isang single active OWWA member na isang incoming Senior High School student or Grade 12, o incoming college freshman na hindi hihigit sa 21 anyos ang edad at merong 80 percent general weighted ave-rage (GWA) at walang failing grades.
Sa mga incoming freshmen naman, ang pagpili ng mga scholar ay tutukuyin sa pamamagitan ng national examinations ng Department of Science and Technology (DOST).
Maaari ring mag-apply ang mga naka-enrolled na sa second year hanggang 5th year sa kolehiyo, hindi hihigit sa 30 anyos ang edad, at merong GWA na hindi bababa sa B letter grade o 85 percent equivalence sa lahat ng academic and non-academic subjects sa huling school year na pinasukan.
Ang mga matatanggap na aplikante ay tatanggap ng hanggang P60,000 bawat school year hanggang sa matapos nila ang isang four to five year baccalaureate course.
Ang ODSP naman ay isang scholarship grant na nagkakaloob ng hanggang P20,000 financial assistance per school year sa kuwalipikadong dependent ng OFW na ang buwanang sinasahod ay hindi hihigit sa USD600 (PHP34,000), iyong mag-eenrol pa lang o kasalukuyan nang enrolled o naka-enrolled na sa alinmang four-year o five-year baccalaureate course o associate course sa alinmang kolehiyo o pamantasan.
Ang mga interesadong aplikante ay maaaring pumunta sa alinmang Regional Office ng OWWA na malapit sa kanilang kinaroroonan para sa impormasyon sa mga kinakailangang dokumento at sa pagsusumite ng kanilang aplikasyon. Maaari ring bisitahin ang website ng OWWA kaugnay rito.
Sa ganang akin, magandang proyekto ito para sa mga kababayan nating OFWs.
Umaasa akong maramign matutulungan dito at marami pang magagandang proyektong gagawin ang OWWA para są kapakanan ng ating mga kababayan.