
SB19 member kasama na sa Senior High
GINULAT ng miyembro ng SB19 na si Justin de dios ang publiko matapos nitong ipasilip ang kanyang special participation sa teen drama television series na “Senior High.”
Base sa teaser na ipinakita sa katapusan ng episode ng show noong Biyernes, Enero 5, magkakaroon ng cameo ang SB19 member sa susunod na linggo sa eksena ng prom night.
Ang cameo appearance ni Justin ay nagdulot ng labis na positibong reaksyon mula sa mga manonood ng palabas at maging sa fandom ng grupo – na tinatawag na A’tins – sa pamamagitan ng social media.
Ang kantang “Bazinga” ng grupo ang theme song ng “Senior High.”