
SB19, BINI, JK, Maki, Lola Amour, Moira at Zack bakbakan sa Star Awards for Music
Bigating mga pangalan sa industriya ng musika ang magtutunggali para maiuwi ang prestihiyosong tropeyo ng 16th Star Awards for Music ng PMPC na gaganapin sa October 27, 6 p.m., sa Carlos P. Romulo Auditorium RCBC Plaza, Makati City.
Pangungunahan ‘yan ng labanan para sa Song of the Year sa pagitan ng SB19 (Gento), BINI (Pantropiko), Juan Karlos (Ere), Zack Tabudlo (Gusto), Moira Dela Torre (Ikaw at Sila), Maki (Saan) at Lola Amour (Raining in Manila).
Nominado sa Male Recording Artist of the Year sina Bamboo, Billy Crawford, Christian Bautista, Erik Santos, Juan Karlos, Zack Tabudlo, at Ogie Alcasid.
Sina Regine Velasquez, Moira Dela Torre, Yeng Constantino, KZ Tandingan, Morisette, Julie Anne San Jose, Katrina Velarde, at Sarah Geronimo naman ang mga nominado sa Female Recording Artist of the Year.
Bibigyan ng espesyal na parangal ang industry icons na sina Mr. Pure Energy Gary Valenciano at veteran music producer, musical director, arrranger Homer Flores.
Igagawad kay Gary ang Pilita Corrales Lifetime Achievement Award habang pararangalan naman si Homer ng Parangal Levi Celerio Lifetime Achievement Award.
Ang 16th Star Awards for Music ay inoorganisa ng mga opisyal at miyembro ng PMPC, sa pangunguna ng pangulo nitong si Rodel Ocampo Fernardo.
Katuwang ng PMPC ang Airtime Marketing ni Tess Celestino-Howard. Ang awards night ay ididirehe ni Eric Quizon.
Mapapanood ang kabuuan nito sa November 9, Saturday, 10:15 p.m., sa A2Z.