
Sasakyan sumalpok sa truck, driver 4 oras bago nahugot
PATAY ang driver ng Mitsubishi Xpander makaraang sumalpok sa likod ng trailer truck sa northbound lane ng Mel Lopez Boulevard malapit sa Moriones St., Tondo, Maynila noong Lunes.
Nagmistulang pinitpit na lata ang Mitsubishi Xpander (NGX- 5776) na nagresulta sa pagkaka ipit at kamatayan ng biktima na na nasa edad 40 hanggang 50-anyos.
Base sa ulat ni Police Senior Master Sergeant John Mark Estrada kay Police Major Jaime Gonzalez, hepe ng Vehicular Traffic Investigation Section (VTIS) ng Manila District Traffic Enforcement Unit (MDTEU), bandang alas-8:30 ng umaga nang bigla umanong sumalpok ang Xpander sa trailer truck (AAR- 2235) na minamaneho ng isang alyas Jomar.
Dahil sa bilis ng takbo, pumasok pa ang Xpander sa ilalim ng truck.
Gumamit pa ng mga hydraulic machine ang mga rumespondeng rescue workers at umabot ng halos apat na oras bago nailabas ang biktima na agad binawian ng buhay.
Sumuko ang driver ng trailer truck sa mga pulis.
Nahaharap ang driver sa kasong Reckless Imprudence Resulting to Homicide at Damage to Property.