
Sarah Discaya lumagda sa peace covenant
PINUNA ni Pasig City congressional candidate Atty. Christian “Ian” Sia ang pagbibiro umano Pasig City Mayor Vico Sotto sa idinaos na peace covenant signing event sa lungsod kamakailan
Pinuna ni Sia ang pagbibiro ni Sotto nang magkunwari umano itong tila kinakamayan ang katunggali nyang kandidato.
Magugunitang hindi umabot sa nasabing event si mayoral candidate Sarah Discaya, dahil masama umano ang pakiramdam nito.
Nagtungo din si Discaya sa peace covenant event, subalit maagang natapos ang aktibidad dahil maaga din dumating ang alkalde na agad ding umalis matapos ang photo ops sa media.
Bumisita pa rin naman ito sa tanggapan ng Comelec noong nasabing araw at lumagda din sa peace covenant.