Matteo

Sarah at Matteo naghahanda para sa isang online concert

November 23, 2021 Aster Amoyo 447 views

PAGKATAPOS ng record-breaking film concert ng Popstar Royalty na si Sarah Geronimo which was aired on GMA nung nakaraang July 18, 2021 with her husband na si Matteo Guidicelli as her special guest, matutunghayan naman ang mag-asawa sa kanilang joint digital concert billed as “Christmas with the G’s,” another virtual concert na gaganapin sa Big Dome (Smart Araneta Coliseum) on December 18, 2021 na nakatakdang idirek ni Paolo Valenciano.

Ang “Christmas with the G’s” ay first digital concert ng couple na ipu-produce ng Viva Live at mapapanood sa ktx.Ph at Vivamax.

Samantala, hindi man napapanood lately si Sarah G. sa “ASAP Natin `To,” inaasahan na muli itong babalik sa nasabing programa anytime soon. Natuwa ang fans ng misis ni Matteo Guidicelli nang ito’y muling mapanood sa Christmas station ID ng ABS-CBN, isang indikasyon na isa pa rin siyang Kapamilya hanggang ngayon.

Samantala, Sarah and husband Matteo will be celebrating their 2nd anniversary as a married couple next year. The couple was married in an intimate secret Christian wedding held at the Victory church in Bonifacio Global City in Taguig nung February 20, 2020 officiated by Princess Punzalan’s younger brother, ang pastor na si Paolo Punzalan.

RoxanneRoxanne ipinakikita na ang baby at ama nito

UNTI-UNTI na ring ipinapakilala ng singer-actress at vlogger na si Roxanne Barcelo (36) ang kanyang foreigner husband sa netizens matapos niyang i-share ang kissing picture niya with him kasama ang kanilang firstborn na si Cinco, now 6 months old.

Kung matatandaan pa, it was in November 2019 nang i-post ni Roxanne ang picture nila ng kanyang husband during their wedding na magkayakap pero hindi ipinakita ang mukha ng huli. It was in May this year nang isilang ng singer-actress ang kanilang unang baby. Pero hanggang ngayon ay hindi pa rin nagbibigay ng clue si Roxanne sa pangalan at nationality ng kanyang mister na isa umanong pribadong tao.

Taliwas ito noon na very open ang relasyon ni Roxanne sa model-actor at ex-PBB housemate na ni Will Devaughn. But in time, umaasa rin ang fans ng singer-actress na ipapakilala rin siya sa publiko ang kanyang mister.

Jake1JakeJake kahanga-hanga bilang ama

MARAMI ang humahanga sa actor na si Jake Ejercito sa pagiging loving and devoted father sa kanyang 10-year-old daughter sa aktres na si Andi Eigenmann na si Ellie na kasalukuyang nasa Siargao with her mother and her family.

Sa Siargao nag-celebrate ng kanyang 10th birthday si Ellie with her mom, her stepfather na si Philmar Alipayo and her two half-younger siblings na sina Lilo at Koa. Sinorpresa naman si Ellie hindi lamang ni Jake kundi maging ng kanyang Tito Jacob at Tita Jerika, ang dalawang kapatid ng kanyang dad sa kanyang grandfather na si dating Pangulong Joseph `Erap’ Estrada at dating aktres na si Laarni Enriquez.

Samantala, nagpapasalamat si Jake sa malaking break na ipinagkatiwala sa kanya ng Dreamscape Entertainment at ABS-CBN na maging third wheel sa mga character na ginagampanan nina Janine Gutierrez at Paulo Avelino sa tumatakbong comedy-romance-drama series na “Marry Me, Marry You” where the actor plays the role of Cedris Banes.

Coco hindi nakalilimot kay Direk Brillante

HANGGANG ngayon ay hindi makapaniwala ang apat na baguhang sexy actors na sina Jela Cuenca, Cara Gonzales, Luis Hontiveros at Rash Flores na makakatrabaho nila ang 2009 Cannes Film Festival Best Director na si Brillante `Dante’ Mendoza na siyang nagdirek ng kanilang movie na “Palitan.” Isa ito sa tatlong movie projects ni Direk Brillante sa bakuran ng Viva Films and it could even be more.

Si Direk Brillante ay nakagawa na ng almost 20 movies since 2005 at pito rito ay kolaborasyon nila ng dating indie actor na si Coco Martin sa mga pelikulang “Masahista,” “Summer Heat,” “Foster Child,’ “Tirador,” “Serbis,” “Kinatay” at “Captive”.

Tinaguriang `King of Inde Films noon si Coco na ngayon ay Primetime King sa telebisyon dahil sa malaking tagumpay ng kanyang top-rating and long-running action-drama TV series na “FPJ’s Ang Probinsyano”. Pero sa kabila ng malaking tagumpay ni Coco, hindi ito nakalilimot sa kanyang pinagmulan at break na ibinigay sa kanya ni Direk Brillante.

Ang sexy-thriller movie na “Palitan” ay matutunghayan sa ever growing Vivamax app simula sa darating na December 10.

John Lloyd nagsimula nang mag-taping

NAGSIMULA nang mag-taping ng kanyang kauna-unahang sitcom sa bakuran ng GMA ang dating Kapamilya actor na si John Lloyd Cruz. Pinamagatang “Happy To Get Her” na pinamamahalaan ng veteran singer-actor at comedy director na si Edgar `Bubot’ Mortiz, ang nasabing sitcom ay tinatampukan din nina Carmi Martin at dating Kapamilya actress na si Miles Ocampo at iba pa.

Ang bagong sitcom ni John Lloyd sa GMA ay magsisilbi rin niyang comeback TV project matapos siyang `mag-leave of absence’ sa telebisyon at showbiz since October 2017.

Subscribe, like, share and hit the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@aster_amoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE