Sam Sam Versoza, RS Francisco and Richmond Yu with Rhian Ramos and Michelle Dee

Sam at RS malupit ang relaunch ng flagship product

March 22, 2025 Ian F. Fariñas 150 views

Ibang klaseng mag-isip ng marketing stunt ang Frontrow business partners na sina Sam Verzosa at RS Francisco. Ang power duo ang nasa likod ng matagumpay at makapanindig-balahibong relaunch ng Luxxe White na talaga namang pinag-usapan sa iba’t ibang sulok ng bansa.

Ang pinaniwalaang katapusan ng naturang flagship product ng Frontrow ay isa palang strategic masterstroke -– kakaiba, madrama at masasabing epektibo.

Buong bansa ang witness sa spectacle ng pa-billboards sa Maynila ukol sa kamatayan ng Luxxe White. Isang “pabolosang burol” din ang idinaos sa Frontrow headquarters, kung saan nagsilbing host ang King of Talk na si Boy Abunda at nag-perform ang OPM hitmaker/icon na si Ice Seguerra.

Hindi lang entertainment media ang naging saksi sa “pamamaalam” ng Luxxe White kundi maging ang libu-libo nitong distributors na “humopiang” makabili ng last remaining stocks ng best-selling product.

Pero sa likod nga ng lahat ng drama ay ang kalkuladong marketing strategy na dinisenyo para baliin ang expectations at buwagin ang molde ng traditional marketing campaigns.

Ang rebirth ng Luxxe White ay sinelyuhan ng pagpapakilala sa bago nitong anyo — ang Luxxe White Ultima — na may bigger, better at stronger line of products para sa health, beauty at wellness.
Kasabay din nito ang pag-i-introduce kina Rhian Ramos at Michelle Dee bilang Luxxe White Ultima endorsers.

“Alam namin ang ginawa namin,” ani Sam. “People love drama and controversy and we gave them a spectacle they couldn’t ignore. But instead of failure, they witnessed the rebirth of a legendary and revolutionary product.”

Sey naman ni RS, “Hindi lamang kami nag-launch ng produkto. We created a moment in marketing history. Real visionaries never follow the rules -– they rewrite them.”

Ang Luxxe White Ultima ay may karagdagang dosage na 1,400 milligrams at mga bagong sangkap gaya ng collagen, hyaluronic acid, oral sunblock at oral moisturizer; ang Luxxe White Slim L-Carnitine naman ay may garcinia cambogia at mas mataas na dosage — 2,200 milligrams; ang Luxxe White Renew, puno ng super berries gaya ng acai, goji at noni fruit, may pure barley at moringa rin; at ang Luxxe White Protect ay may potent 500 milligrams na pure grape seed extract na nagbibigay ng life-changing benefits ng Vitamins C, D at E.

Sa pagbubukas ng bago nitong yugto, ang buong Luxxe White Ultimate Collection ay mabibili exclusively sa authorized Luxxe White distributors here and abroad.

AUTHOR PROFILE