Samcat

Sam at Catriona, ikakasal sa 2024

May 19, 2023 Vinia Vivar 237 views

Kinumpirma ni Catriona Gray na next year sila ikakasal ng fiancé niyang si Sam Milby dahil gusto muna niyang in-enjoy ang panahong ito.

“Mga next year. I just wanna enjoy the season. It’s really… it’s a once-in-a-lifetime season, so I just wanna enjoy it,” pahayag ng Miss Universe 2018 sa panayam ni Dra. Vicki Belo.

Asked kung dito ba sa ‘Pinas or sa abroad sila ikakasal, anang beauty queen, hindi pa niya alam.

Sa tanong naman kung ilang kids ang gusto niya, sey niya ay baka dalawa.

“I just want a girl. If it’s two girls, I’m happy. If it’s a girl and a boy, I’m happy. But two boys, I might get three,” sey ni Catriona sabay-tawa.

Pahapyaw ay ikinuwento rin niya ang love story nila ni Sam. Definitely ay hindi raw ito love at first sight dahil matagal na silang magkakilala bago pa man sila nagkaroon ng relasyon.

Marami raw silang common friends kaya lagi silang nagkikita in one circle.

Pareho raw silang Christian at isa ito sa nakapagpalapit sa kanila.

Sa isang bahagi ng video ay humingi si Catriona ng marriage advice kay Dra. Vicki. Ang payo ng celebrity doctor ay, “Always make Jesus the third person in your relationship.”

OVERWHELMING DEMAND

Kasunod ng matagumpay na 120,000-strong Summer Blast 2023 crowd attendance, ang two-day concert naman ni Filipino-American multiple Grammy winner Bruno Mars ang inaabangang event sa Philippine Arena.

Sa kabila nga ng ga-higanteng 55,000 capacity ng world’s largest indoor arena, kinailangan pang magdagdag ng isang araw ng concert para makapanood ang mas maraming tagahanga ng international singer.

Ang naunang inianunsyo na June 24 concert ay masusundan kaagad ng isa pa, sa June 25, dahil na rin sa “overwhelming demand” para sa tickets. Ganyan karami ang Pinoy fans na nagmamahal sa Fil-Am singer.

Proud naman si Bruno Mars sa kanyang Filipino roots. Puerto Rican ang kanyang ama at Pinay naman ang kanyang ina bagaman isinilang siya sa Hawaii.

Sa isang interview noon, sinabi nitong chicken adobo ang paborito niyang pagkaing Pinoy. Matatandaan namang nagpadala ito ng $100,000 na tulong sa mga biktima ng Bagyong Yolanda pagkatapos ng 2014 concert sa Pilipinas.

Nakilala si Bruno Mars sa mga kantang Billionaire, Just the Way You Are, Treasure, Leave the Door Open, When I Was Your Man at marami pang iba.

Hinangaan siya ng marami dahil sa galing sa paggawa ng musika, pagtatanghal at pagiging mapagmahal sa fans.

Samantala, lalo pa ngang pinagaganda ng organizers ang concert experience sa Philippine Arena. Panibagong sistema ng traffic flow management ang ipinatutupad habang sinisiguro rin ang transportasyon ng mga gustong makapunta sa venue para manood.

AUTHOR PROFILE