Salilig2 John Matthew Salilig

SALILIG 70 BESES HINATAW NG KAHOY!

March 2, 2023 Gil Aman 440 views

‘Humarang’ sa hazing probe kakasuhan

NAKATAKDANG sampahan ang isang lalaki ng obstruction of justice o ‘pagharang’ diumano sa follow-up operation ng pulisya sa insidente ng hazing kung saan hinataw umano ng kahoy ng 70 beses ang namatay na estudyante ng Adamson University na si John Matthew Salilig, 24.

Si Salilig ay huling nakitang buhay at nakasuot ng pulang hoodie sa isang bus terminal sa Maynila bago siya naiulat na nawawala.

Ayon sa isang testigo, si Salilig ay hinataw ng at least 70 na beses ng wooden paddle sa naganap na hazing. Ang bangkay niya ay nakita sa isang mababaw na libingan sa Imus, Cavite, isang linggo matapos siyang huling nakitang buhay.

Ayon sa autopsiya, ang biktima ay nagtamo ng “severe blunt force trauma to his lower extremities.”

Sa magkasanib na operasyon ng mga miyembro ng National Capital Region police, Binan Police at Provincial Intelligence Unit na ginawa sa Block 2, Lot 18, Sampaguita St., Garden City, Paranaque City, nitong Miyerkulas ay kinilala ang lalaki na nakahandang sampahan ng obstruction of justice si Gregorio Cruz.

Ang pinagsanib na miyembro ng pulisya ay naghain ng warrant for obstruction of justice laban kay Cruz upang matukoy ang mga ebidensiya na ginamit sa pagkamatay ni Salilig.

Isang unit ng Ford Everest na may plakang NBG 5732 na pinagsakyan umano kay Salilig ang natagpuan sa bahay ni Cruz.

Hindi umano ibinigay ni Cruz ang impormasyong ito sa pulisya bilang ebidensiya sa krimen kung kaya’t naghain ang mga otoridad ng kasong obstruction of justice.

Ibiniyahe umano sa sasakyan ang bangkay ng biktima saka ibinaon sa isang masukal na lugar sa Cavite ng mga miyembro ng Tau Gamma Phi Fraternity.

Samantala, ang anim na mga suspek ay boluntaryong nagtungo sa himpilan ng Binan police noong March 1, 2023. Sila ay kinilalang sina as Romero Earl Anthony, Tung Cheng Teng, Jerome Balot, Sandro Victorino, Michael Lambert Ritalde at Mark Pedrosa.

Boluntaryong nagtungo sa Biñan City Police Station ang mga sangkot habang patuloy na nagsasagawa ng imbestigasyon sa umano’y pagkamatay ni Salilig na kasama sa hazing ng Tau Gamma Phi Adamson Chapter.

Samantala, habang isinasagawa ang imbestigasyon, nagbigay naman ng salaysay ang saksi na si Roi Osmond Tuazon Dela Cruz na positibong itinuro ang anim na principal suspek sa naganap na hazing sa bikktima.

Binigyan naman ang anim na suspek ng pagpapahalaga sa kanilang constitutional right at pagkakataong magpaliwanag sa naganap na hazing.

Nakatakda naman ang mga kinauukulan na maghain ng two counts sa paglabag ng RA 8049 as amended by RA 11053 for inquest proceedings before the DOJ Manila, Padre Faura Manila.

AUTHOR PROFILE