Salceda

Salceda: ‘Buwis’ para sa mayayaman, nararapat

July 29, 2022 People's Tonight 323 views

DAPAT diumanong pagbuwisin ang mayayaman sa kanilang malalaking mga lupain at ari-arian nang naaayon sa Saligang Batas upang makaipon ng salapi ang bansa para sa maseselang serbisyo publiko nito.

Ito ang naging panukala ni House Ways and Means Committee Chairman Albay Representative Joey Sarte Salceda at ipinaliwanag niyang “malinaw” na isinasaad ng Saligang Batas na ang sistenma sa pagbuwis ay dapat progresibo na ang ibig sabihin ay higit na malaki dapat ang binabayarang buwis ng mayayayan.

Sinabi niya na ang pinakamakatwirang pagbubuwis ng mayayaman ay sa pamamagitan ng kanilang hindi gumagalaw na yaman gaya ng mga lupain, at maluhong paggastos sa mamahaling mga bilihin. Mananatiling chairman si Saceda ng “tax panel” ng Kamara.

Sinabi niyang malapit na niyang ihain ang ganitong panukalang batas sa Kamara. Marami na siyang binalangkas na mahahalagang panukala sa pagbubuwis na mga batas na ngayon, gaya ng “Tax Reform for Acceleration and Inclusion” (TRAIN) 1 and 2, at “Corporate Recovery and Tax Incentives for Enterprises” (CREATE).

AUTHOR PROFILE