
Sabrina, itutuloy ang demanda sa mga sumawsaw sa Rico Yan issue
Tuloy na tuloy pa rin ang demanda ng comebacking sexy actress na si Sabrina M. laban sa mga taong nanira sa kanya kaugnay ng Rico Yan issue.
Sa kanyang Facebook post, sinabi ni Sabrina sa ngayon ay apat na katao na ang posibleng makasuhan.
Hinamon din niya ang iba na sumawsaw pa para mademanda rin.
“Tapos na ba kayo? Kami Naman! Sumawsaw ka para Kasama ka,” ang bungad ni Sabrina sa kanyang post.
Aniya, “3 araw na ultimatum… 3 iniharap ko na abogado. Ngayon 4 na sila, baka 4 na kaso or 4 ang may kaso?”
Wala pang binabanggit ang sexy star kung sinu-sino ang idedemanda niya at kung anong kaso ang isasampa niya kaya abangan na lang natin.
Matatandaang nagsimula ang isyung ito nang i-reveal ni Sabrina sa isang presscon na nagkaroon sila ng relasyon ng yumaong aktor na si Rico Yan noong nabubuhay pa ito.