BI Kuha: Bureau of Immigration

S. Korean businessman naharang sa NAIA ng BI

June 27, 2024 Jun I. Legaspi 94 views

NASAKOTE ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) ang isang South Korean businessman na matagal nang wanted sa Seoul dahil sa economic crimes.

Ayon kay Immigration Commissioner Norman Tansingco, ang 54-anyos na si Ahn Youngyong ay naharang sa NAIA Terminal 1 nitong June 23 habang pasakay ng Philippine Airlines flight patungong Shanghai, China.

“He was not allowed to leave and was instead arrested after his name prompted a hit in our derogatory check system indicating that he is a wanted fugitive in his country,” saad ni Tansingco.

Agad namang pinapurihan ni Tansingco ang mga tauhan ng BI kasama ang nag-interview sa pasahero dahil sa kanilang pagiging vigilante at paniniguro na walang derogatory record ang mga papayagan nilang pumasok at lumabas sa bansa.

Dinala na si Ahn sa BI detention facility sa Taguig City kung saan niya hihintayin ang deportation sa kanya.

Nabbatid na nakipag-ugnayan sa BI ang Korean Embassy kaugnay sa warrant of arrest para kay Ahn dahil sa paglabag sa pagbabawal sa marketing disturbances dahil sa pagpapakalat ni Ahn ng false information sa capital investment, joint development at pagbebenta ng immune-anti cancer drugs, completion of technology transfer, at ang pagkakaroon ng US bio-company.

Dahil dito tumaas ang share price ng gamot sa Korean stock market kaya’t kumita ang manufacturer ng mahigit 63.1 billion won, o US$44 million.

AUTHOR PROFILE