Ryan Larawan: Ryan Bang/IG

Ryan Bang nagcelebrate ng 2024 kasama ang nobya

January 2, 2024 People's Tonight 256 views

SWEET na sweet na sinalubong ng TV host na si Ryan Bang ang Bagong Taon kasama ang kanyang non-showbiz girlfriend na si Paola Grace Huyong.

Sa isang Instagram post, nag-upload si Ryan ng selfie kasama ang jowa nito na may caption na, “Anywhere with you by my side! Happy 1st day of 2024!”

Inulan naman ng sweet messages ang naturang post, na karamihan ay pagbati sa couple.

Matatandaan na nag-hard launch ng kanyang jowa si Ryan bago matapos ang taon.

Nauna pa rito, Oktubre nakaraang taon, naispatan na si Paola na kasama ang “It’s Showtime” team noong nagbakasyon ang mga ito sa Hong Kong.

AUTHOR PROFILE