
RURU, DIBDIBAN ANG TRAINING
Grabe pala ang paghahanda ni Ruru Madrid para sa bago niyang action series na Black Rider.
Sey niya sa mediacon, six months before taping started ay nagti-training na siya habang ginagawa pa niya ang teleseryeng The Write One.
“Kahit puyat, diretso training, dahil siyempre, ayokong sayangin, eh. Hindi po lahat ng artista, nabibigyan po ng pagkakataon na makagawa ng action na serye. Kaya might as well, I will give everything sa tiwala po na pinagkaloob po sa akin at ayokong i-take for granted ang tiwala po na ibinigay nila sa akin,” sey ng aktor.
Mas challenging nga raw itong Black Rider kesa sa una niyang action series na Lolong.
Mas matindi raw ang mga fight scene dito at nagmo-motor pa siya.
“Mas skilled si Black Rider kesa kay Lolong so mas mahirap ang stunts na ginagawa, mas mahirap ang mga fight scenes. But of course, napapadali ‘yun at shout out to Direk Erwin Tagle dahil siya po ang nagti-training sa amin,” aniya.
Magsisimula na ang Black Rider sa Nov. 6 sa GMA Telebabad.