
Ruffa may sey kina Sunshine, Cesar: ‘Ex-lovers who are now okay’
IBINIDA ng actress at former beauty queen na si Ruffa Gutierrez ang larawan ng dating magkasintahan at mga celebrity na sina Sunshine Cruz at Cesar Montano.
Sa kanyang Instagram stories nitong Biyernes, Oktubre 27, ibinahagi ni Ruffa ang larawan ng dalawa na ilan sa mga naging bisita sa birthday celebration ng kanyang ina na si Annabelle Rama.
“Ex-lovers who are now okay,” sey ni Ruffa sa caption ng nasabing IG story.
Sa larawan ay makikitang nakangiti at tila maayos ang dating magkasintahan.
Matatandaang binanggit din ni Sunshine sa mga nakaraang interview na nagkapatawaran na sila ng kanyang ex-husband.
“I know naman na kumbaga sa sugat, lahat naman ng mga sugat naghihilom in God’s time. Well, I’ve always expected that this will happen in God’s perfect time. Everyone’s happy especially my children,” wika ng celebrity mom.
May tatlong anak sina Sunshine at Cesar na sina Angelina, Sam, at Chesca.
Naghiwalay ang dalawa noong 2013 dahil sa isyung third party.