Ruffa Ruffa Gutierrez with Kabayan Remit’s Princes Manalo and Karina Salve Untalan

Ruffa ikinaloka ang pag-aalburuto ng mga babae ni Yilmaz

April 23, 2025 Ian F. Fariñas 84 views

LOKANG-LOKA si Ruffa Gutierrez sa pag-aalburuto ng mga babae ng ex-dyowa niyang si Yilmaz Bektas mula nang kumpirmahin nito ang balak na pagbisita sa ‘Pinas ngayong Mayo.

Sa presscon ng Kabayan Remit kung saan siya ang kauna-unahang endorser, sinabi ni Ruffa na kung sino-sinong babae ang nagme-message sa kanya kahit matagal na silang hiwalay ng Turkish businessman at tatay ng mga anak niyang sina Lorin at Venice.

“Ayaw ko silang patulan,” banggit niya, “pero sabi ko, huwag kayong mag-message sa akin. Wala naman ako sa buhay ni Yilmaz for the last how many years. So, sa mga babae na nagre-react, huwag na kayong mag-message. ‘Yung isa, Pilipino, eh.

“Sila ‘yung affected. So sabi ko, he will come and spend time with his kids. It’s not about me, it’s not about us getting back together. It’s about him having the connection with the kids na once pa lang nangyari,” natatawa pang kwento ng aktres.

Para sa single mom, magandang reunion ang pagdalaw ni Yilmaz lalo pa nga’t gusto umano nitong makita muli ang mga dating biyenang sina Tita Annabelle Rama at Tito Eddie Gutierrez.

So far, wala pang naihandang itinerary si Ruffa. Pero magkakaroon daw siguro sila ng nice dinner gaya ng ginawa ni Yilmaz years ago para kina Lorin at Venice nang bumisita sila sa Turkey.

Hopeful si Ruffa na makauwi ang mga anak na nag-aaral sa Amerika in time for their dad’s visit.

“Siyempre, happy sila. ‘Yung mga bata naman, happy sila. And they’re more mature na. Alam nila it’s more of a friendship. Like I said earlier, nandiyan ‘yung pagmamahal. But it’s a different kind of love. It’s more like love for family. It’s not a romantic kind of love,” paglilinaw ng aktres.

Aminado si Ruffa na mahirap para sa kanya na malayo kina Lorin at Venice. Buti na lang daw at mas madali na ang means of communication ngayon dahil sa social media.

Feeling nga raw niya, OFW siya. ’Yun nga lang, imbes na dito nagpapadala ng pera, sa abroad niya ito ipinapadala through Kabayan Remit na as of now ay available na sa UK, US at Canada.

Blessing naman na hindi pabaya si Yilmaz. Pero ayaw nang i-share ni Ruffa kung magkano ang ibinibigay nitong suporta sa dalawang anak nila.

“Ako ‘yung tagabayad ng school nila. So maraming salamat sa mga brands sa pagtitiwala, I’m able to send my kids to school,” pahayag niya.

Sinegundahan naman ito ng mga taga-Kabayan Remit na nagsabing si Ruffa “is a very trustworthy endorser.”

Anyway, dahil sa June 24 ay magse-celebrate na siya ng 51st birthday, natanong ang aktres kung ano ang plano niya sa espesyal na araw na ’yon.

Sagot niya, “I was planning to have a big party this year, pero I think it’s gonna be a working birthday for me. So para sa akin, baka mag-watch party na lang kami sa eve ng birthday ko and around that time, ilo-launch na ‘yung bagong show (‘Beauty Empire’ ng GMA-7) na ginagawa namin so… and of course I wanna celebrate with you, guys. Jun (Lalin, her publicist) will be organizing it.

“I have little birthday celebrations. Ayoko na ‘yung isang malaki kasi I really wanna get to talk to people and mahirap ‘pag malaki, eh, kasi hindi mo naman talaga nakakausap ‘yung taong in-invite mo. So I’m more into more meaningful connections,” dagdag pa niya.

As for her birthday wish, simple lang ang hiling ni Ruffa: Good health para kina Tita Annabelle at Tito Eddie.

“Like you said, I can’t ask for anything more in my life but importante good health for my mom and my dad so I can spend more time with them,” pagtatapos niya.

AUTHOR PROFILE