Francisco

RS may bubuksang mega dome club sa Bali

June 2, 2024 Ian F. Fariñas 149 views

AMINADO ang aktor/negosyanteng si RS Francisco na tumamlay ang passion niya for acting nu’ng kasagsagan ng Covid-19 pandemic. Sa ngayon, mas abala siya sa pag-aasikaso sa iba’t ibang negosyo tulad ng Frontrow, ang sariling T-shirt line, drag club na Rampa sa Quezon Cit at kung anu-ano pa.

Very soon, ani RS, may bubuksan din silang mala-mega dome club sa Bali, Indonesia.

“Sobrang laki nu’n na tipong may sports bar. Its very big,” kwento niya sa ibinigay na belated birthday lunch para sa talent manager/showbiz columnist na si Lolit Solis kamakailan.

“Sabi ko nga during the pandemic medyo tumamlay ang ano ko sa acting. Mas naka-focus ang ano ko sa tao, sa pag-assist sa tao, sa communities. May mga nag-o-offer sa akin na umarte ngayon pero medyo napapa-‘no’ na ako unlike before pandemic, sobrang hungry ako nu’n. I dont know, siguro kakakausap ko kay Gretchen (Barretto), kakasabi niya sa akin na mag-retire ka na, ganu’n kasi siya nang ganu’n, eh. ‘Mag-retire ka na, nag-retire na ako.’ Kasi she would tell me nu’ng mga 2018, 2017, ‘ba’t ka pa gagawa ng movie?’ Kasi I did Boy Intsik, ‘di ba? Tapos parang ‘ba’t ka pa gagawa ng movie, ‘di mo naman kailangan ‘yan?’ Tapos I did M Butterfly, ‘ba’t ka pa gagawa ng play? Pahinga ka na lang, RS.’ Ganu’n siya nang ganu’n. And I would always tell her before pandemic, ‘Gretchen ang sarap umarte, it fills me.’ Pero nu’ng pandemic, parang nagkaroon ako ng shift, I dont know what. Basta parang siguro nag-change ang priorities ko, nag-change ang values ko, mas na-expose ako lalo sa mga tao kasi that time, ‘di ba, we were all lacking human connection? ‘Coz it was all virtual, lockdown,” mahabang tsika ni RS sa pangungumbinse sa kanya ni Gretchen na mag-retire na sa acting.

Ganunpaman, nilinaw pa rin niya na hindi naman siya nagsasara ng pinto sa pag-arte.

It’s just that sa ngayon, mas focused muna siya sa iba’t ibang negosyo.

Tulad na nga lang ng Frontrow na may bagong opisina, bagong products, bagong endorser at bagong packaging na ilu-launch sa July.

Bukod dito, marami ring ganap sa Rampa, lalo pa ngayong Pride Month.

“May surprise artist na ‘di ko masabi dahil surprise nga. Hahaha! ‘Wag muna, baka mamaya ma-award tayo,” natatawang pahayag ni RS.

AUTHOR PROFILE