Roxie Larawan mula sa IG/Roxie Smith

Roxie smooth

April 30, 2025 People's Tonight 101 views

MUKHANG pwede na yatang mapalitan ang apelyido niyang “Smith” ng “smooth” dahil si Miss Earth Philippines 2020 at Kapuso actress na si Roxie Smith, swabeng-swabe sa social media kung magpatakam.

“Smooth like butter” na gaya ng lyrics sa isang kanta ang kaseksihang dala ng beauty queen-actress sa isang Instagram post nito.

“Breathe a little,” saad ni Roxie sa caption.

Bumida ang bikini body niyang “10 out of 10” sa mga nasa opposite sex.

Mala-anghel man ang kariktan ng bebot, halimaw naman ang ibinubuga nitong hotness sa suot niyang two-piece swimwear.

Talagang walang aayaw sa perpektong kurba ni Roxie. Bumulaga man sa social media ang kanyang toned body, mapapalingon din ang sino mang barako sa pa-cleavage niya sa larawan.

Swabeng-swabe at banayad ang patakam ni Roxie. Maging ang kanyang facial expression na para bang may pang-aakit na dala-dala ay tila ikaaangat ng libido ng mga kelot.

Pinusuan ng netizens at binaha nila ng reaksyon ang nasabing mga larawan ng Kapuso actress.

AUTHOR PROFILE

Sexiest Pinay

SHOW ALL

Calendar