Default Thumbnail

‘Rotten apple’

May 10, 2023 Tess Lapuz-Lardizabal 238 views

Tess LardizabalANG Bureau of Customs (BOC) na pinamumunuan ngayon ni workaholic at result-driven Commissioner Bienvenido Y. Rubio Jr. ng Ilocos Norte, “remains committed to protecting the country against smuggling attempts.”

Ito ay bilang pagtalima sa mga direktiba ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr. na paigtingin ang kampanya laban sa mga katiwalian umano sa Aduana.

Saludo at kudos po tayo kay Commissioner Jr. dahil sa kanyang matagumpay na pagpapaganda ng imahe ng BOC.

Maraming sector at opisyal ang pumapalakpak dahil alinsunod sa utos ni Pangulong Marcos Jr. ay pinalakas niya ang kampanya laban sa smuggling, pati na sa iba pang umano’y illegal activities.

Ngunit minsan sa isang basket ng prutas ay may isang bulok. Ayon nga sa Ingles na kasabihan, ‘A rotten apple spoils the barrel.’ Kaya’t bago maapektuhan ang napakagandang at kapuri-puring pamunuan ng bagong liderato sa BOC, nararapat lamang na maaksyunan ang ilang umano’y ‘rotten apple’ sa kanilang hanay.

Katulad umano ng isang opisyal ng BOC na nakatalaga sa Mindanao na nagpapakilala diumano na isang henchman ng isang mataas na opisyal sa gobyerno. Ang pagmamalaki pa nito siya ang may hawak ng buong Mindanao at siya ang tanging dapat kausap lamang ng mga importers at brokers tungkol sa kanilang mga shipments.

Dagdag pa rito, sinasabi niya sa buong Aduana na diumano ‘untouchable’ sya dahil sa kanyang umano’y backer.

Pinagmamalaki din daw niya umano na ang kanyang mga kakampi o kakilala ay nakapwesto sa magagandang posisyon.

Nakikita lagi sa mga mamahaling restaurants at bars ang mapagmalaking opisyal na ito kasama ang mga smugglers ng Mindanao na naidawit na sa mga nakaraang pandinig sa Kongreso. Isa itong tinuturong dahilan kung bakit maraming nakakalusot na ukay-ukay at agricultural products sa hawak niyang pwerto doon.

Kaya ang isang malaking tanong ay kung alam ba ng Palasyo at pamunuan ng BOC ang ginagawa ng mapagmalaking opisyal.

Kasi matitigil lamang ang kanyang maling pinagagawa kapag pagsabihan o siguro ay tanggalin sa puwesto upang di pamarisan.

(Please Like and Share sa journalnews.com.ph. Maaaring magkomento sa journalnews.com.ph o 0917584171. Viber lang.)