PCG

RoRe missions sa WPS hindi na iaanunsyo sa publiko

June 24, 2024 Chona Yu 68 views

HINDI na iaanunsyo ng pamahalaan ng Pilipinas ang pagsasagawa ng rotational and resupply missions sa West Philippine Sea.

Sa pulong balitaan sa Malakanyang, sinabi ni Defense Secretary Gilbert Teodoro na hindi kailangan na magpaalam ng Pilipinas kanino man para tuparin ang tungkulin na depensahan ang West Philippine Sea.

“We reiterate that we seek neither permission nor consent from anyone in performing our sworn duties in the West Philippine Sea. In this regard, we will continue our rotation and resupply missions on a regular basis,” pahayag ni Teodoro.

Ayon sa kalihim, ang kapakanan ng mga sundalo na nagbabantay sa BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal ang pinakamahalaga sa lahat.

“The President has reiterated that we will not publish schedules of any RoRe,” pahayag ni Teodoro.

Una nang sinabi ni Executive Secretary Lucas Bersamin na inirekomenda ng National Maritime Council kay Pangulong Marcos na ianunsyo ang RoRe missions.

AUTHOR PROFILE

Nation

SHOW ALL

Calendar