
RORE mission sa BRP Sierra Madre tagumpay; PH Navy di kinanyon ng tubig
TAGUMPAY ang rotation and re-provisioning (RORE) mission sa BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal noong Sabado, ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA).
Ayon sa DFA, walang iniulat na masamang nangyari sa paghahatid ng supply gamit ng M/V Lapu-Lapu na inalalayan ng Philippine Coast Guard (PCG) ang ng BRP Cape Engaño.
Iyon ang unang RORE mission na isinagawa matapos ang humupang tensyon sa pagitan ng Pilipinas at ng People’s Republic of China hinggil sa paghahatid ng supply sa Ayungin Shoal.
Ang naaayon sa batas at nakagawian ng RORE mission sa loob ng exclusive economic zone (EEZ) ng Pilipinas naisasagawa dahil sa propesyonalismo ng mga tauhan ng Philippine Navy at Philippine Coast Guard, sa pakikipag-koordinasyon sa National Security Council, Department of National Defense at DFA.