Robin1

Robin tutulong sa pagdepensa ng DA budget sa 2024

November 13, 2023 PS Jun M. Sarmiento 427 views

NANGAKO noong Lunes si Sen. Robinhood “Robin” Padilla na tutulong sa pagdepensa sa 2024 budget ng Department of Agriculture (DA).

Iginiit din ni Padilla na kailangang tulungan ng mga taga-DA ang bagong kalihim ng ahensiya na si Francisco Laurel Jr. sa kanyang pagsisikap na bigyan ang mga Pilipino ng food security.

“Sa darating na panahon, sa usapin ng budget ninyo, kasama akong magdedepensa diyan.

Kaya po sana suportahan natin ang bago nating kalihim sa kanyang pakikibaka, sa inyong pakikibaka sapagka’t walang pinakamagandang regalo tayo sa ating mga kababayan kundi ang sapat na pagkain,” aniya.

Ikinalungkot ni Padilla na bagama’t isang agricultural country ang Pilipinas, hindi niya maintindihan kung bakit hindi umuunlad ang sektor ng agrikultura.

Sa kanyang mensahe, ipinunto ni Padilla na kaibigan niya si Laurel na sumuporta sa kanya nang bumisita siya sa West Philippine Sea gamit ang bangka ng kalihim.

Dagdag ni Padilla, bagama’t hindi nila “nilakad” ang kanilang mga posisyon sa gobyerno, binigyan sila ng Diyos ng responsibilidad para maglingkod.