
Robi tuloy ang kasal sa kabila ng karamdaman ng girlfriend
SA kabila ng pagkakaroon ng karamdaman ng non-showbiz fiancée ng ex-PBB housemate-turned Kapamilya TV host na si Robi Domingo na si Maiqui Pineda, hindi mapipigilan ang plano nilang pagpapakasal ngayong December as earlier planned.
Dumaan man sa matinding pagsubok ang kanilang relasyon dahil sa kakaibang sakit na dumapo kay Maiqui ay mas lalo lamang naging matibay ang pagmamahalan ng dalawa at marami ang humanga sa TV host dahil sa ipinakita nitong pagmamahal at malasakit kanyang future wife.
Si Maiqui ay may dermatomyositis na isang rare autoimmune disease na naging dahilan ng panghihina ng mga muscles, skin rash at inflammation.
Kamakailan lamang ay nangggaling ng Singapore ang engaged couple kung saan nagpagamot si Maiqui.
Matteo matindi ang paghahanda sa launching movie
MAULIT kaya sa takilya ang suwerte ng Viva Films sa kanilang upcoming 49th Metro Manila Film Festival entry na “Penduko” na siyang magsisilbing launching movie ni Matteo Guidicelli?
Kung matatandaan pa, ang local adaptation ng hit Korean movie na “Miracle in Cell No. 7” ang nanguna sa MMFF movie nung 2019 na pinagabidahan ni Aga Muhlach at ang child star na si Xia Vigor na pinamahalaan ni Nuel Naval.
Nanguna rin ang entry ng Viva sa MMFF nung nakaraang taon, ang “Deleter” na pinangunahan ni Nadine Lustre at dinirek ni Mikhail Red.
Malaki ang bentahe ng pelikulang “Penduko” this year dahil isa itong classic character na likha ng National Artist for Literature na si Francisco V. Coching nalathala sa Liwayway Magazine nung 1954 and adapted into movies several times. Ito’y unang pinagbidahan ng yumaong si Efren Reyes, Sr. under Premiere Productions na sinundan ni Ramon Zamora under Topaz Films who played the role twice nung 1973 and 1974 respectively. Nung dekada nubenta ay muli itong ni-revive ng Viva Films na tinampukan naman ng singer-songwriter at actor-comedian na si Janno Gibbs who also played the character twice na ang isa ay nung taong 2000.
Six years later in 2006, this was adapted into TV ng ABS-CBN na pinabidahan naman ni Matt Evans na muling naulit nung 2007 na si Matt pa rin ang gumanap sa character ni Pedro Penduko.
In 2017, it was announced by Viva Films na muling bubuhayin ang character ni Pedro Penduko sa pamamagitan ng ex-Pinoy Big Brother: Teen Clash Big Winner nung 2010 at Vivacontract artist noon na si James Reid and the singer-actor started preparing and training for his role. Pero bago pa man nasimulan ang filming ng pelikula, he volted out from his contract sa kanyang talent management company, ang Viva Artists Management kaya walang nagawa ang Viva kundi siya’y palitan. Months later, it was announced na ang mister ng Pop superstar na si Sarah Geronimo na si Matteo Guidicelli ang papalit sa role na inatrasan ni James. Sa pagpasok ni Matteo, napalitan din ang original director nitong si Lawrence Fajardo at pumasok ang writer-director na si Jason Paul Laxamana who had to rewrite the whole script at nilagyan niya ito ng back story at modern touch para akma sa present times.
When Direk Jason Paul’s team was ready to start the movie, pandemic struck which stopped the filming of the film and only resumed this year.
During the pandemic mas na fine-tune ni Direk Paul ang script without sacrificing the original plot of the story.
It was August this year nang simulan ang shooting ng pelikula at ito’y pinanghandaan nang husto ni Matteo in terms of training sa kanyang mga fight scenes, mixed martial arts including arnis, his dates to the gym, running and other exercise routines until he lost 20 lbs. Sumailalim din siya ng acting workshop sa veteran actress na si Ruby Ruiz.
“This is the biggest role ever that was assigned to me kaya kailangan kong paghandaan nang husto,” aniya.
Nagkataon naman na may iba pang pinagkakaabalahan si Matteo tulad ng kanyang bagong hosting job sa daily morning show ng GMA, ang “Unang Hirit” at pagsisimula ng bago niyang action-drama series (also on Kapuso network), ang“ Black Rider” at iba pa niyang activities,
What he did ay humingi siya ng leave sa “Unang Hirit” sa loob ng isang buwan until he finished filming the movie.
Hindi rin nasayang ang kanyang training sa mga fight and action scenes for “Penduko” dahil nagagamit din niya ito sa kanyang bagong series on GMA, ang “Black Rider” na magsisimulang mapanood this November. Although he’s always been busy, he considers this year his busiest pero hindi umano niya pinababayaan ang kanyang role as husband to his lovely wife na si Sarah Geronimo na napaka-supportive umano sa kanyang ginagawa.
He also felt honored to work with Direk Jason and a powerhouse cast na kinabibilangan nina John Arcilla, Albert Martinez, Kylie Padilla, Mark Anthony Fernandez, Candy Pangilinan, Aaron Villaflor, Andrea del Rosario, Zombie Tugue, Phoebe Walker, JC Tiuseco, Marissa Sanchez and a host of others.
Hindi rin ikinakaila ng 33-year-old singer, actor, host, entrepreneur and AFP reservist na nakakaramdam din umano ng pressure lalupa’t sampung pelikula silang sabay-sabay na mapapanood simula December 25, 2023 up to January 7, 2024.
Ang “Penduko” ay kasama sa unang Top 4 ng MMFF that was earlier announced na sinundan ng natitirang apat na ginawang anim this year na inasunsyo ng MMFF Selection Committee last October 17, 2023.
But more than the pressure, ipinagmamalaki ni Matteo na maganda ang kinalabasan ng kanilang pelikula. Marami naman ang nagsasabi na posibleng manguna sa takilya ang “Penduko” dahil tiyak na maiibigan ito ng mga bata at buong pamilya. May halo itong action, adventure and fantasy.
Producer ng pelikula ni Maricel inunahan na ang MMFF 2023
IBINALITA sa amin ng successful businesswoman-turned concert and film producer na si Florita `Flor’ Santos na sa November 29, 2023 na umano ipalalabas ang family drama film na “In His Mother’s Eyes” na hindi pinalad makapasok sa 2023 Metro Manila Film Festival. Ang pelikula na siyang movie directorial debut movie ng mahusay na TV drama series director na si F.M. Reyes ay tinatampukan ng Diamond Star na si Maricel Soriano, Roderick Paulate at LA Santos under 7K Entertainment.
Makakasabay on November 29 ng “In His Mother’s Eyes” ang isa pang pelikulang hindi nakapasok sa MMFF, ang popular franchise ng “Shake, Rattle & Roll EXTREME” ng Regal Entertainment.
Hindi man pinalad na makapasok sa 2023 MMFF ang “In His Mother’s Eyes” ay umaasa ang bagong film producer na si Flor Santos na ito’y tatangkilikin ng mga manonood dahil sa magandang tema at pagkakagawa ng pelikula.
Before the pandemic, magandang playdate ng November 29 dahil holiday ang November 30 kasunod ang long week-end.
Ang pelikulang “In His Mother’s Eyes” na tinatampukan din nina Ogie Diaz, Vivoree Esclito, Elyson de Dios at Maila Gumila ay isa lamang sa magagandang proyekto na naka-line-up sa bakuran ng 7K Entertainment.
SUBSCRIBE, like, SHARE and hit the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” and “INSIDE SHOWBIZ with Aster Amoyo” on my YouTube channel for notification. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter (X)@aster_amoyo.