Robi2 Larawan: Robi Domingo/IG

Robi Domingo may update sa mata ng misis

September 1, 2023 People's Tonight 669 views

IBINAHAGI ng former PBB host na si Robi Domingo sa kanyang Instagram account ang update kaugnay sa kalagayan ng asawa niyang si Maiqui Pineda.

Ayon kay Robi naapektuhan umano ang mata ng kanyang partner sa mga gamot na iniinom nito para sa kanyang dermatomyositis, isang rare autoimmune disease.

“Robi D Luffy with the captain of the heart. Maiqui recently had her eye check-up (because apparently the meds can affect her vision) but great to know that everything is okay,” caption ni Robi sa kanyang post.

Nagpasalamat naman si Robi na walang masamang nangyari sa eye vision ng kanyang asawa.

Matatandaang noong April unang sinabi ni Maiqui na siya ay nakaranas ng skin rashes at dryness sa kanyang balat. Dahil sa kagustuhang malaman ang kanyang kalagayan ay sinamahan siyang magpa-medical tests at scans. July 14 nang malamang nilang siya ay mayroong rare autoimmune disease.

AUTHOR PROFILE