Robi

Robi at Daniel, pinagtawanan ang ‘follow-unfollow’ issue

November 30, 2023 Vinia Vivar 238 views

Ayon kay Robi Domingo, pinagtawanan lang nila ni Daniel Padilla ang isyung follow-unfollow sa pagitan nila.

Matatandaang naging issue kamakailan na in-unfollow umano ni Robi sina Daniel at Andrea Brillantes na nilinaw din naman agad ng Kapamilya TV host at sey niya sa kanyang X (dating Twitter) account, wala itong katotohanan.

Sa latest vlog ni Ogie Diaz ay sinabi ng TV host na nagkausap na sila ni Daniel tungkol dito nang magkita sila kamakailan.

“Nagbiruan lang kami, sabi niya sa akin, ‘in-unfollow mo ba ako? Galit ka sa ‘kin?’ Ta’s nagtawanan lang kami. Dahil for us, hindi issue ‘yun talaga, eh,” sey ni Robi.

To begin with, hindi niya talaga pina-follow si Daniel at ang katwiran niya, pina-follow niya kasi ang girlfriend nitong si Kathryn Bernardo.

“So parang naka-package deal na silang dalawa,” aniya.

Paliwanag pa ni Robi, “Ba’t ako mag-a-unfollow lalung-lalo na, wala naman akong issue sa kanila? At saka, lalung-lalo na, lagi kami magkikita at magkikita.”

Kung may issue man daw ang KathNiel, sa kanilang dalawa ‘yun at hindi siya kasali.

“Kung anumang merong nangyayari, it’s with them, not with me. It doesn’t concern me kasi okay kami. Okay na okay kami lahat,” sey ni Robi.

Okay na okay din daw sila ni Andrea at nakatrabaho pa niya recently sa It’s Your Lucky Day.

Pero aminado siya na hindi niya rin pina-follow ang aktres sa IG kaya paano niya ia-unfollow?

Noong una pa kasi ay hindi niya alam ang handle name nito na Blythe. Tulad din daw ni DJ na supremo_dp naman.

“It doesn’t mean na kung hindi ko sila pina-follow, hindi ko sila kaibigan. Parang for me, ‘yung relationship ko with them transcends ‘yung pagpa-follow-follow,” aniya.

AUTHOR PROFILE