Cops READY FOR ACTION–Ang mga kagamitan na ipinamahagi sa mga pulis ng Rizal para makatulong sa pagpapatrulya sa lalawigan.

Rizal cops binigyan ng bulletproof vests, rig belts

July 2, 2024 Gil Aman 297 views

IPINAMAHAGI ng Rizal Provincial Office (RPO) ang mga tactical and safety equipment sa mga pulis ng lalawigan para magamit sa pagpapatrulya.

Kinabibilangan ang mga safety equipment ng mga bullet proof vests, full set rig belt at police baton.

Inaasahan na malaki ang maitutulong ng mga kagamitan para mas mapalakas at mapaigting ang police assistance, response, public safety at crime prevention sa Rizal, ayon kay Rizal police chief Col. Felipe Maraggun.

Para kay Maraggun, mas magiging mahusay ang kampanya laban sa kriminalidad kung may kumpletong gamit ang mga pulis para sa pagpapanatili ng peace and order.

AUTHOR PROFILE