Rita Mga larawan mula sa IG/@missritadaniela

Rita Daniela todo fangirl kay Claudine

October 19, 2023 People's Tonight 348 views

TODO fangirl ang singer-actress na si Rita Daniela matapos niyang ma-meet ang beteranang aktres na si Claudine Barretto.

Sa kanyang Instagram page nitong Miyerkules, Oktubre 18, ibinahagi ni Rita ang kanilang pagtatagpo ng kanyang iniidolo.

Sey ni Rita, masaya siyang gagawa ng serye si Claudine sa kaparehong network.

Inamin din ng aktres na isa si Claudine sa hinahangaan niya sa industriya at pangarap niyang makasama ito sa isang proyekto.

“So so happy to know that u will be doing a serye with @gmanetwork!! one of my dreams came true when i saw you at @dr.rfdsmile’s bday tapos may picture pa at konting kwentuhan!! grabe,” pahayag ni Rita sa caption ng kanyang post.

“Isa ka po sa tinitingala ko bilang aktres. hope to work with u, idol! @claubarretto congratulations again,” dagdag pa niya.

Nagbigay reaksyon naman si Claudine sa matamis na mensahe para sa kanya ni Rita sa comment section.

“Aww so sweet,” sey ng aktres.

Komento rin ng ilang netizens na sana’y maging magkatrabaho ang dalawa.

“HALA mukhang magkapatid what if sibling rivalry themed teleserye soon.”

“Petition for Dahil Mahal Na Mahal Kita Remake. Bagay sayo ang role ni Mela.”

“Sana mabigyan ka din po ng chance na magkasama kayo sa work together.”

AUTHOR PROFILE