Guo Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo

RISA: ‘ALICE GUO 2’ BUHAY O PATAY NA?

June 28, 2024 PS Jun M. Sarmiento 68 views

BUHAY pa ba o patay na ang totoong Alice Leal Guo?”

Ito ang bumabagabag na tanong na ikinasa ni Senador Risa Hontiveros matapos niyang siguruhin na si Alice Leal Guo na kasalukuyang alkalde ng Bamban, Tarlac ay 100 percent na peke umano.

“Huwad na Pilipino po si Mayor Guo. Siya ay tunay na Chinese citizen. It’s unassailable, wala ng kalusot-lusot yan!” paniniguro ni Hontiveros.

Sinabi pa ng senadora na may mga nagimbestiga na rito tulad ng ibang miyembro ng media at napagalamang hindi na makita si diumano’y Alice Leal Guo No. 2 na posible aniya na siyang totoong Alice Leal Guo.

“Nalaman nila na dating parlor pa ‘yung tinitirhan. The NBI (National Bureau of Investigation) is working hard to locate her. We are also using other government agencies to help us locate her.

But right now, no one can tell us the situation and location of this other Alice Guo. This seems to be a stolen identity. Lumalalim at lumalawak ang hiwaga ng isyung ito,” ani Hontiveros.

Sinabi rin ni Hontiveros na solido aniya ang mga ebidensiya na siya ay hindi ang Alice Leal Guo sa katotohanan.

“Hindi po siya ang totoong Alice Leal Guo kundi si Guo Hua Ping na dapat managot sa ating batas dahil sa panloloko niya sa atin. At walang kaduda-duda ‘yan,” giit ni Hontiveros.

Nagpahayag din ng matinding kumpiyansa si Hontiveros sa kanyang pagbubunyag dahil sa pagsiguro na ibinigay sa kanya ng hepe ng NBI na si Jaime Santiago na tugmang-tugma ang bawat daliri ni Mayor Guo at Guo Hua Ping at ito ay sigurado aniyang iisang tao lamang.

“Talagang nag-match ng husto based ‘yan sa scientific study ng NBI. Magkaparehong-magkapareho, finger by finger. Based na rin po sa mga eksperto natin sa NBI, hindi po posibleng magkamali dahil ang bawat daliri ni Mayor Guo at ni Guo Hua Ping ay iisa lamang at solid po ito. At para po sa kaalaman ng lahat, hindi po maaaring magkaroon ng kaparehas ang ating fingerprints kailanman,” ani Hontiveros.

Iginiit din ni Hontiveros na hindi niya palalagpasin ang mga alibi umano ni Guo na kaya hindi siya nakarating ay dahil sa kanyang anxiety at stress na kanyang isinaad sa kanyang sulat sa Senado, at ipapa-contempt aniya ng kanyang komite si Guo kapag inisnab nitong muli ang kanilang pagdinig.

“Hindi po namin tatanggapin ang ganyang katuwiran dahil marami ng gumamit ng ganyan na pagpapalusot. Dapat sagutin niya ang lahat ng mga nadiskubre kamakailan lamang. Mag-iisyu po kami ng contempt once she refuses again to attend,” sinabi ni Hontiveros.

Base na rin sa mga nakalap na dokumento mula sa Board of Investments (BOI) na nakuha naman ni Senador Sherwin Gatchalian, si Guo Hua Ping ay pumasok sa bansa noong 13-anyos pa lamang noong 2003, kasama ang kanyang mga magulang, gamit ang special investors resident visa (SIRV).

Para kay Hontiveros, isang malaking insulto ito sa mga Pilipino at sa mga botanteng nagtiwala sa kanya sa Bamban, Tarlac, gayundin sa mga Pinoy na pinaghihirapan kunin ang kanilang birth certificate at sumusunod ng maayos sa proseso ng pagkuha nito.

“I am calling now the Office of the Solicitor General para aksyunan ito agad at makapag-isyu na ng quo warranto laban kay Mayor Guo. Isang malaking insulto ito sa mga Pilipino at sa mga taga Bamban, Tarlac,” panawagan ni Hontiveros.

Nation

SHOW ALL

Calendar