Rider Source: File FB photo

Rider umiwas sa checkpoint, timbog sa P300K shabu

June 30, 2024 Jojo C. Magsombol 84 views

KAMPO HENERAL MIGUEL MALVAR, Batangas–Nadakma ng mga pulis ang isang rider matapos mahulihan ng halos P300,000 halaga ng shabu sa Sitio Palico, Brgy. Luntal, Tuy, Batangas noong Biyernes.

Sa report ni Batangas police director P/Col. Jacinto R. Malinao, Jr. kay Police Regional Office (PRO)-4A director P/Brigadier Gen. Paul Kenneth Lucas, kinilala ang suspek na si alyas Loreto.

Dakong alas-5:10 ng hapon ng matiklo ng mga tauhan ng Tuy police ang suspek nang ma-flag down ang berdeng Keeway Icon na motorsiklo na walang plaka.

Nang sisiyasatin, biglang pinatakbo ng suspek ang motorsiklo kaya hinabol ng mga pulis ang suspek at sa hnidi kalaunan nakorner din siya.

Sa frisking, nakumpiska sa suspek ang 40.6 gramo ng shabu na may standard price na P276,080.

AUTHOR PROFILE