![Default Thumbnail](https://journalnews.com.ph/wp-content/uploads/2023/07/image.jpg)
Rider tiklo sa paninira ng side mirror, panunutok ng boga
TIKLO sa mga pulis ang isang sigang rider ng mambasag ng side mirror at nanutok pa ng baril sa Brgy. Tubigan, Lemery, Batangas noong Lunes.
Nabiktima ng suspek na si alyas Bernard, 26, ang driver na si Aaron Moises Labasan Lim, 38, at Gloria Andal Delos Reyes ng Brgy. Puting Bato West, Calaca, Batangas.
Nahuli ang suspek ng i-report ng dalawang biktima na may isang rider na ng hampas ng baril ng side mirror ng kanilang van. Hindi pa nasiyahan ang suspek at tinutukan pa sila ng baril.
Nakorner ang suspek at narekober sa kanya ang cal. 45 pistol na may kasamang magazine at isang extra magazine.