Rider Source: Screen grab from Balitanghali video

Rider sumemplang, pumailalim sa bus

April 29, 2025 Melnie Ragasa-limena 91 views

SUGATAN ang isang rider matapos sumemplang at pumailalim sa pampasaherong bus sa Quezon City nong Lunes at maaari pang maputulan ng paa.

Isinugod ang hindi pa nakilalang rider sa ospital sa Quezon City at posible pang maputulan ng paa, ayon sa report.

Sa report ng Quezon City Police District (QCPD) Traffic Sector 5, bandang alas-10:00 ng gabi ng mangyari ang aksidente sa eastbound lane ng Commonwealth Avenue.

Inaresto ang 44-anyos na bus driver na sinabing hindi niya nasagi o natamaan ang motorsiklo ng biktima.

Aniya, sinunsundan niya ang motorsiklo ng biktima ng bigla itong sumemplang pagsapit sa Commonwealth Avenue sa tapat ng Central.

“Bigla pong nasemplang po ‘yung motor na sinusundan ko po. Dahil po kargado po ‘yung dala ko pong bus, namreno po ako pero inabot pa rin po, napailalim ‘yung tao kaya nasagasaan ‘yung paa,” depensa ng driver.