Default Thumbnail

Rider nakasalpukan Carousel bus, dedo

July 4, 2022 Melnie Ragasa-limena 274 views

DEAD on the spot ang isang 37-anyos na rider makaraang makasalpukan nito ang Carousel bus sa Quezon City, Linggo ng gabi.

Ang biktima ay nakilalang si Fernando Bullo Baltazar Jr., 37, nakatira sa 88 0468 area C Parola Binondo Manila.

Agad namang naaresto ang driver ng Carousel bus na si Ramil Valdez De Guzman, 48, naninirahan sa B8 Mahogany St. Fines Village Subdivision, Brgy. San Isidro, Taytay Rizal.

Sa report ng Quezon City Police District (QCPD) Traffic Sector 1, bandang 9:30 p.m. (July 23) nang maganap ang aksidente sa kahabaan ng EDSA Southbound Carousel Bus Line sa harapan ng Trinoma, sa Brgy. Philam, Quezon City.

Batay sa inisyal na imbestigasyon ni PCMS Edward P. Rimand ng QCPD Traffic Sector 1, binabaybay ng biktima sakay ng Honda motorcycle ang kahabaan ng soutbound Edsa galing Munoz patungong Cubao.

Subalit pagsapit sa Carousel Bus Line sa harapan ng Trinoma, sa Brgy. Philam, nakasagian nito ang minamanehong Volvo City Bus (CAS-588) ni De Guzman.

Dahil dito ay bumagsak ang rider una ang ulo sa sementandong kalye at nabagok na nagresulta ng agarang pakamatay ng biktima.

Inihahanda na ang kasong Reckless Imprudence Resulting to Homicide laban sa Carousel bus driver.