Default Thumbnail

Rider na walang malay nakunan ng shabu swak sa selda

February 25, 2025 Melnie Ragasa-limena 176 views

DIRETSO sa selda ang rider na nawalan ng malay pagkatapos masalpok ng isa pang rider dahil sa 14 na gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P95,200 na nakuha sa kanya ng mga rumespondeng pulis at medical personnel sa Commonwealth Avenue, Quezon City.

Naabutan umano ng mga pulis ang rider na nakabulagta at walang malay matapos tumilapon nang masalpok ng isa pang motorsiklo.

Nagpapunta ang mga pulis ng ambulansya sa lugar ngunit habang binubuhat ang rider nakapkap sa bulsa nito ang sachet na may 14 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P95,200.

Sa imbestigasyon, nadiskubreng nagtutulak ng droga ang rider sa Commonwealth, Holy Spirit at iba pang lugar sa Quezon City at posibleng ide-deliber umano nito ang shabu na nakuha sa bulsa niya.

Idiniretso ang rider sa selda pero todo-tanggi na sa kanya ang nakuhang droga.

Ayon sa rider, huling natandaan niya binangga siya ng motorsiklo at ng magkamalay at nagulat na lang siya ng sabihin na may nakuha sa kanyang shabu.

Inihahanda na ang kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act laban sa rider.