
Richard Gutierrez, mga anak nag-bonding sa Boracay
Hinahanap ngayon ng netizens si Sarah Lahbati sa mga larawang inupload ng aktor na si Richard Gutierrez sa kanyang Instagram, Lunes, Nobyembre 27, 2023.
Sa IG post ng aktor, makikitang masayang nag-Boracay siya kasama ang mga anak.
“Happiest by the water. Still the best beach, Boracay,” caption nito kalakip ang larawang nakayakap siya sa dalawa nilang anak ni Sarah.
Napansin naman agad ng mga marites online na walang kahit isang picture na nandoon ang asawa nito, at sabi pa nila, sana ay magbalikan at patawarin na nila ang isa’t isa.
“Wala si sarah! Nakakalungkot kasi fan ako sa mga family adventures nyo sobrang nakaka-inspire yung mga family photos nyo everytime na gagala kayo hope you guys are ok! bakit naman,” komento ng taga-hanga ng celebrity couple.
“In the end always choose forgiveness over pride. Hope to see you and your wife back in the arms of each other,” sey pa ng isang user.
“Si Zion parang kambal ng mommy niya, sobrang look alike. I hope and pray na hindi totoo ang chismis. Choose love and forgiveness, pride/ego is the enemy,” dagdag pa ng isa.
Bagama’t hindi pa ibinunyag ni Richard at Sarah ang kanilang tunay na sitwasyon ngayon. Kumpirmado na umano para sa netizens na wala na ang dalawa.