
Richard, bet makatrabaho sina Jodi, Gerald, KathNiel, Donny, Belle at Kim
SOLID Kapamilya pa rin si Richard Gutierrez matapos pumirma ng panibagong kontrata sa Solid Kapamilya: Network Contract Signing event ng ABS-CBN kasama ang ina at manager na si Annabelle Rama noong Huwebes.
Sa mediacon na sumunod sa contract signing, sinabi ng aktor na looking forward siya na makatrabaho ang great actors at actresses ng Kapamilya network.
Nang hingan ng mga pangalan, binanggit ng bida ng katatapos na action seryeng The Iron Heart sina Jodi Santamaria, Gerald Anderson, Daniel Padilla at Kathryn Bernardo, pati na ang DonBelle at si Kim Chiu.
“Well, I wanna work sana with Miss Jodi Santamaria, she’s a great actress. Gerald Anderson as well. I wanna work again with Daniel and Kathryn, Donny and Belle. Madami, madami pa akong hindi nakakatrabaho dito sa Kapamilya.
“Kim Chiu also, so sana mabigyan kami ng opportunity na magkaroon ng ensemble na project, makatrabaho ko ‘yung mga mahuhusay at magagaling na artista dito sa Kapamilya network,” pahayag ni Richard.
Proud nga ang aktor na manatiling Kapamilya lalo pa sa mga pinagdaanang pagsubok ng ABS-CBN sa nagdaang taon.
“I think where I am now in my life and where I am in my career is exactly where I want to be, and that is to be a solid Kapamilya,” aniya.
“With everything that ABS-CBN has gone through over the years at sa lahat ng pinagdaanang pagsubok ng network, I think we are not just surviving but thriving. They were able to pivot successfully, and until today, we are still giving world-class shows to Filipinos worldwide. It is the reason why I am here as a Kapamilya. I am proud to be a Kapamilya,” dagdag pa ni Richard.
Pinasalamatan din niya ang kanyang fans, co-actors at ang ABS-CBN management na patuloy siyang sinusuportahan at ginagabayan sa kanyang karera.
Present sa nasabing contract signing sina ABS-CBN Chairman Mark Lopez, ABS-CBN President at CEO Carlo Katigbak, ABS-CBN COO of Broadcast Cory Vidanes, ABS-CBN group CFO Rick Tan, ABS-CBN head of TV
Production at Star Magic Head Laurenti Dyogi, ABS-CBN Head of Finance Rick Tan, Star Magic handler na si Love Capulong at si Tita Annabelle.
Bago nagkapirmahan, kinanta ng Idol Philippines Season 2 grand champion na si Khimo Gumatay ang theme song ng The Iron Heart na Sino Ka Ba?
Ibinahagi rin ni Richard na nakatakda siyang magsimula ng bagong action project sa unang bahagi ng 2024.
“We have a couple of things lined up. For the teleserye, I think first quarter of next year. I think it is enough preparation for planning kasi ang hirap tapatan ng The Iron Heart,” aniya.
Patuloy ni Richard, “To be honest kailangan naming mag-isip ng panibagong konsepto, magandang konsepto at kung paano namin iaangat pa ‘yung level from the Iron Heart in terms of action, in terms of storytelling, locations.”
Matatandaan na taong 2017 unang pumirma si Richard sa ABS-CBN kung saan napabilang siya sa hit seryeng La Luna Sangre.
Nakasama rin siya sa isa sa longest-running aksyon serye sa bansa na FPJ’s Ang Probinsyano at mga pelikulang Unbreakable at Fantastica.