Andrea

Ricci, walang kinalaman sa hiwalayang SethDrea

July 15, 2022 Vinia Vivar 244 views

Nilinaw ni Andrea Brillantes na hindi si Ricci Rivero ang dahilan ng breakup nila ni Seth Fedelin. In fact, pinalipas muna raw niya ang “three-month rule” bago siya nagdyowa ulit.

Ito ang ipinahayag ng aktres sa panayam sa kanya ni Karen Davila sa vlog ng batikang broadcast journalist.

“Wala po talaga akong plano na mag-boyfriend na ulit kasi galing po ako sa biggest heartbreak ko,” aniya.

Lost na lost daw siya that time dahil bukod sa breakup, namatay ang tita niya at kasabay din nito ang iba’ng ibang issues sa kanya, dahilan para makatanggap siya ng mga sandamakmak na bashings.

Isa na nga sa mga naging issue sa kanya ay nang ma-link siya kay Ricci at inakusahang nag-two-time kay Seth.

“Wala naman na kami, at saka pinalipas ko ‘yung three-month rule. Pinalipas ko po ‘yun at saka talagang pumitik lang ako na ‘I deserve more, I am worth more than this.’ Lahat ng ginawa ko, napakabuti kong tao. Kung hindi nila nakikita ‘yun, sila na ‘yun,” she said.

Balak niyang mag-focus na lang muna sa kanyang career after the break-up pero biglang dumating daw si Ricci sa buhay niya.

“Nu’ng nakita ko siya, wala na rin naman kami ng ex ko nu’n. So, para lang sure, wala pong third party or anything. Saka nu’ng nakita ko siya, sawi pa rin ako sa isa at alam din naman ‘yan ni Chi (Ricci),” kwento ni Andrea.

Besides, hindi raw siya mahilig talaga sa basketball player dahil ang alam niya raw sa mga ito ay manloloko.

Anyway, sa panayam ay hindi binanggit ni Andrea ang pangalan ni Seth pero alam naman ng lahat na kagagaling lang niya sa breakup sa aktor nang ma-link sila ni Ricci.

AUTHOR PROFILE