Michelle Larawan mula sa IG/Michelle Dee

Reyna ng sariwa

April 2, 2024 People's Tonight 98 views

GODDESS of freshness kung ituring ng netizens ang beauty queen-actress na si Michelle Dee sa pagbabandera nito ng kanyang bikini body sa social media.

Sa isang Instagram post ni Miss Universe Philippines 2023, ibinahagi niya ang ilang larawan nang magtungo sa El Nido, Palawan.

Looking fresh at hot si Michelle sa suot niyang puting two-piece swimsuit. Glowing na glowing ang makinis na balat nito dahil hinahalikan ng liwanag na nagmumula sa sunset view ng beach.

Hindi man niya nasungkit ang korona noong lumaban sa El Salvador, reyna pa rin siya para sa kanyang male fans.

Pinusuan ng netizens at inapuyan ng emojis ang nasabing post ni Michelle. Binaha nila ito ng magagandang komento para sa kanyang magandang hubog.

Narito ang ilang komentong mababasa sa nasabing post: “Our lady of freshness ipanalangin mo kami”, “Goddesses of freshness and amoy baby”, “Kaya nman pala ang init”, “You make the weather HOTTER”, “Our Vitamin Dee”, at “Hottie queen”.

AUTHOR PROFILE