Paraiso

Retoke isyu, sinagot nina Elisse, Loisa, Charlie at Alexa

July 14, 2023 Vinia Vivar 317 views

Sa mediacon pa rin ng Pira-Pirasong Paraiso ay natanong ang apat na female lead na sina Alexa, Charlie, Loisa at Elisse kung may ipina-enhance o ipinaretoke ba sila sa kani-kanilang mukha o katawan.

Ayon kay Elisse, lahat ng mga babae ay may kanya-kanyang insecurities pero personally ay may maintenance siya na ginagamit o ginagawa.

“Each one of us kasi or lahat naman ng babae, maraming insecurities ‘yan, especially growing up, especially sa teenage years and since pinasok namin ‘yung showbiz industry, talagang the tiniest detail physically, mapi-pinpoint po sa bawat isa.

“So, I think, bilang artista or ako, personally, I’ll just answer for myself, meron talagang maintenance na tinatawag diyan ang bawat artista na ang hirap naman din pong isa-isahin kung ano ang kailangan naming…

“Kasi, ‘di ba, insecurities nga po namin ‘yun, so we know for ourselves na mayroon kaming ginawang maintenance or help para siyempre ma-achieve the confidence that we want to achieve,” ang paliwanag ni Elisse.

Ayon pa sa aktres ay normal lang naman kung may gusto kang ma-achieve sa sarili mo.

“Ako, ‘yun nga po, answer ko sa sarili ko, I have maintenance for myself na as a babae, as an artista, ginagawa ko rin po,” sey ni Elisse.

May mga intriga kasi kay Elisse na diumano ay nagparetoke ang aktres dahil malaki umano ang ipinagbago ng mukha niya.

Sabi naman ni Loisa, siya, wala namang ipinabago sa kanyang mukha o katawan at lahat ay “natural” sa kanya.

Sinegundahan naman ni Charlie ang sinabi ni Elisse tungkol sa maintenance for her beauty at nagda-diet din daw siya para ma-maintain ang figure niya.

Ayon kay Alexa, pinaghihirapan niya talaga na maging fit at mag-lose ng weight.

“Hindi naman po retoke but I wanted to lose weight. I wanted to have a different kind of physique for this role,” dagdag ni Alexa.

AUTHOR PROFILE