Frasco House Deputy Speaker at Cebu 5th Dist. Congressman Vincent Franco “Duke” D. Frasco

Rep. Frasco nag-donate ng lupa

July 3, 2023 People's Tonight 231 views

Frasco1Frasco2Para pagtayuan ng public market sa Cebu City

HANGARIN ni House Deputy Speaker at Cebu 5th Dist. Congressman Vincent Franco “Duke” D. Frasco na mai-angat ang kalidad ng pamumuhay ng mga residente at mamamayan ng Barangay Consuelo sa San Francisco, Cebu City sa pamamagitan ng pagdo-donate ng malawak na lupain para pagtayuan ng bagong public market sa nasabing lugar.

Sinabi ni Congressman Frasco na personal nitong pag-aari ang nasa 1,287 square meters ng lupain na nabili ng mambabatas sa halagang P700,000 mula sa kaniyang sariling pondo upang i-donate o ibigay sa Barangay Consuleo na nakatakdang pagtayuan naman ng public market.

Ipinaliwanag ni Frasco na ang napipintong pagtatayo ng public market sa Barangay Consuleo sa bayan ng San Francisco ay napakahalaga o essential na haligi ng kabuhayan ng komunidad sa nasabing lugar. Sapagkat papaunlarin nito ang ekonomiya ng lalawigan ng Cebu City.

Binigyang diin pa ni Frasco na sa pamamagitan ng pagpapatayo ng bagong public market, napakalaking oportunidad aniya ang naghihintay para sa mga residente at mamamayan ng bayan ng San Francisco dahil papasok dito ang mga negosyo at iba pang kabuhayan.

“I believe that pubic market is one of the most essential pillars in the life of a community and the progress of its economy. It creates many opportunities for local businesses and employment, gives residents better access to fresh and ocally grown products and serves as a place for social and economic activities,” sabi ni Frasco.

Ayon pa sa Senior House Leader, ang nakatakdang konstruksiyon ng public market ay nakikita din nito bilang sentro ng kalakalan at komersiyo na malaki ang maitutulong at mai-aambag sa ekonomiya ng San Francisco na makapagbibigay naman ng napakalaking benepisyo para sa mga mamamayan ng Camotes.

“The soon to be constructed public market in Barangay Consuelo is seen to be a center for trade and commerce which shall contribute greatly to the economy of San Francisco and benefit the people of Camotes and their families,” ayon pa kay Frasco.

AUTHOR PROFILE