Frasco

Rep. Frasco: Liloan Pier 88 Port sailing na

August 14, 2023 Mar Rodriguez 419 views

Frasco1Frasco2Frasco3INIHAYAG ni House Deputy Speaker at Cebu City 5th Dist. Congressman Vincent Franco “Duke” D. Frasco na umarangakada na ang sea buses sa Liloan Pier 88 Port mula Lapu-Lapu City papuntang Mactan at pabalik ng Liloan Port.

Sa ginanap na “dry run” ng Sea buses (Topline) mula sa Mactan Wharf patungong Pier 88, ipinaliwanag ni Frasco na ito ang kauna-unahang pagkakataon na magkaroon ng ruta mula sa Mactan Island at North of Cebu para ma-establisa ang ugnayan sa pagitan ng dalawang lugar.

Sinabi pa ni Frasco na matatawag na isang “game changer” ang pagkakaroon ng diretsong ruta mula Pier 88 patungong Mactan Island para sa mga commuters ng North of Cebu, partikular sa lugar ng Liloan, Consolacion, Compostela at Danao City.

Binigyang diin ni Frasco na sa pamamagitan ng mga modernong Sea buses, mas mapapadali ang pagbibiyahe ng mga Cebuano mula sa dating 1 hanggang 2 oras magiging 30 hanggang 45 minuto lang. Habang ang pamasahe naman nito ay nagkakahalaga lamang ng P35.

Malaki ang paniniwala ni Frasco na sa pagbubukas ng proyektong Liloan Port o Pier 88, magbubukas din ang mga magagandang oportunidad para sa mga residente ng Liloan, Cebu City.

Sinabi ng kongresista na positibo ang kaniyang “projection” sa pagsisimula ng Pier 88 para sa mga residente ng Liloan o mga Cebuano sa kabuuan dahil sa mga negosyong itatayo o bubuksan sa loob mismo ng Liloan Port na magbibigay naman ng maraming trabaho.

Ipinaliwanag din ni Frasco na hindi lamang basta pantalan ang magiging papel ng Pier 88, bagkos ito ay magiging isang napakalaking establisyemento na magbubukas ng maraming negosyo tulad ng mall, supermarket o groceries, sinehan, leisure park, restaurants at iba pang mga negosyo.

AUTHOR PROFILE