Rendon Larawan: Rendon Labador/FB

Rendon tuloy ang tulong, magiging ‘Boses ng Bayan’

November 20, 2023 People's Tonight 420 views

“MOTIVATED “ ang social media personality na magbigay umano ng tulong sa mga Pilipino sa paglulunsad niya ng entertainment show na pinamagatang “Boses ng Bayan.”

Sa kanyang Facebook post, ipinasilip niya ang teaser ng kanyang online show.

“#BosesNgBayan para sa mga taong hindi kayang mag boses para sa mga sarili nila at walang kakayanang maipaglaban ang kanilang mga karapatan. MALAPIT NA!!!” caption niya sa kanyang Facebook post.

Matatandaan naman na nais gamitin ni Rendon Labador ng ibang tao ang kanyang platform para tumulong sa ibang tao.

Dagdag pa ni Rendon, hindi siya pulitiko pero naniniwala siya na ang mga ginagawa niya ay makakapagbigay ng tulong sa kapwa.

“Hindi ako mayaman at lalong hindi ako pulitiko. Ako ay simpleng tao lang na gumagawa ng mga simpleng bagay para makapagbigay tulong sa kapwa,” anang social media personality.

Gayundin, nanawagan naman siya sa publiko na tumulong upang “baguhin ang Pilipinas.”

AUTHOR PROFILE