Remulla

Remulla: Teves nasa ‘Timore-Leste’

May 9, 2023 Hector Lawas 268 views
Teves
Suspendidong Negros Oriental Rep. Arnolfo Teves Jr.

Humihingi ng asylum

IBINUNYAG ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla nitong Martes na ang suspendidong Negros Oriental Rep. Arnolfo “Arnie” Teves Jr. ay kasalukuyang na sa Timor-Leste at nakikiusap bigyan ng protection visa, at sa kalaunan ay mabigyan na din ng asylum status.

Ito ang nabatid sa liham ni Remulla kay Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo, na kinumpirma ng ambassador ng Pilipinas sa Dili City.

Sinabi ni Remulla kay Manalo na hiniling na ng Department of Justice (DOJ) na italaga ng Anti-Terrorism Council (ATC) si Teves Jr. bilang terorista.

Bumuo na din ng isang teknikal na grupo upang mag-imbestiga at magrekomenda ng aksyon.

Bukod pa rito, nagsagawa na rin ng mga hakbang ang DOJ upang ituring si Teves na isang terorista, na nangangahulugan na maaari siyang maideport kahit saan siyang bansa magpunta.

Ipinaliwanag ni Justice Assistant Secretary at tagapagsalita na si Atty. Mico Clavano na ang alegasyon laban kay Teves na maraming pagpatay, pati na rin ang kanyang pagre-recruit ng mga gunman at paggamit ng mga high-powered firearms, ay saklaw ng Anti-Terror Law.

Binigyang-diin ni Remulla na ang pagpatay kay Governor Roel Degamo, ang pinakamataas na halal na opisyal sa Negros Oriental, sa kanyang sariling tahanan ay nagpapakita ng karumal-dumal na krimen.

Tumanggi si Teves na sangkot siya sa pagpatay kay Degamo at nanumpang babalik sa Pilipinas pag wala na ang mga banta sa kanyang buhay.

Handa ang DOJ na tugunan ang anumang legal na hamon sa pagtatakda ng terorista kay Teves.

AUTHOR PROFILE