Remulla Si Cavite Governor Jonvic Remulla kasama ang mga manlalaro ng UP Fighting Maroons nang magdiwang sila ng kanilang makuha ang Kampeonato ng UAAP Seaon 84 men’s basketball tournament kontra Ateneo de Manila University sa OT sa Game Three Finals sa iskor na 72-69. Kuha ni DENNIS ABRINA

Remulla naka-pusoy sa mga kalaban

May 15, 2022 Dennis Abrina 437 views

IMUS CITY, Cavite. – Nagkatotoo nga ang prediksyon ni Cavite reelected Governor Jonvic Remulla na makaka-pusoy sya sa kanyang mga laban sa halalan at sa sports nitong mga nakaraang araw.

Una ay ng kaniyang maipanalo ang kanyang kandidatura bilang gobernador ng Cavite sa ikalawang pagkakataon sa isang landslide victory na may 1,363,199 boto laban kay Weng Aguinaldo na may 122,590 boto lang na naitala.

Pangalawa ang pagkakapanalo ni presumptive President Ferdinand ‘Bong Bong’ Marcos Jr. sa lalawigan na nakakuha ng 1,121,108 votes sa pitong siyudad at 16 bayan ng lalawigan, base sa unofficial count ng Commission on Elections (Comelec)

Nalampasan pa nito ang ipinangako nya na bibigyan ng 800+ boto si BBM sa naturang lalawigan.

Matatandaang nasilip ni Remulla na makaka-pusoy sya sa kanyang mga laban sa panayam ng People’s Tonight Cavite correspondent noong May 9, 2022 sa Governor Juanito Remulla Sr Senior High School sa Barangay Toclong, Imus City. Ni DENNIS ABRINA

AUTHOR PROFILE