Default Thumbnail

Religious leader tiklo sa pag molestiya ng 3 menor de edad sa QC

May 30, 2021 People's Tonight 353 views

INARESTO ng pulisya ang 46-anyos na  albularyo na sinasabing lider ng isang kulto makaraang mangmolestiya ng tatlong menor de edad na babae sa Quezon City, Biyernes ng hapon.

Ayon kay Police Lt. Col. Elizabeth Jasmin, PS Station commander ng Quezon City Police District (QCPD), ang suspek ay nakilalang si Romeo Delos Reyes, janitor, sa isang warehouse at naninirahan sa Barangay Damayang Lagi.

Aniya,  kasama ang magulang ng mga biktima na nasa edad 10, 12 at 14 ng magtungo ang mga ito sa himpilan ng pulisya upang maghain ng reklamo sa umano’y kahalayang ginawa ni Delos Reyes.

Nangyari umano ang insidente noong Biyernes (May 28) sa bahay mismo ng suspek.

Batay  sa pahayag ng isa sa mga magulang, mismong ang suspek ang nagsabi sa kanila na kailangan umanong puntahan siya ng mga biktima bilang mga miyembro ng kanilang religious group para sa blessings at bible study.

Ang bahay ng suspek ang siyang nagsisilbing dasalan ng mga miyembro nito na kung saan ay magdamag ang aktibidad at minsan ay doon na rin natutulog ang mga biktima.

Nalaman lamang ang ginawang kahalayan sa kanila ng magsumbong na ang isa sa mga biktima sa magulang hanggang maaresto sa follow-up operation si Delos Reyes sa kanyang bahay.

Itinanggi ng suspek ang ibinibintang sa kanya subalit inamin nito na ilang beses niyang hinipuan sa ilang maselang parte ng katawan ang isa sa mga biktima.

Inihahanda na ang kasong rape in relation to child abuse at illegal possession of ammunition matapos na makuhanan pa ng mga bala ng baril sa loob ng kaniyang tahanan ang suspek.

AUTHOR PROFILE