Regine

Regine kinantahan ang mga bisita sa pamamanhikang Leila-Mito

January 13, 2025 Vinia Vivar 173 views

Namanhikan na kina Ogie Alcasid ang pamilya ng mamanuganging si Curtismith, a.k.a. Mito Fabie.

Si Mito at ang panganay na anak nina Ogie at Michelle Van Eimeren na si Leila Alcasid ay malapit nang ikasal.

Matatandaang inanunsyo ng magkasintahan ang kanilang engagement noong September, 2024.

Sa Instagram post ni Ogie kahapon, ibinahagi ng OPM singer ang pamamanhikang naganap naang Linggo, January 12.

He described the ‘pamanhikan’ as emotional. Nag-post din siya ng family photo nila kasama ang pamilya ni Mito.

Ibinahagi rin ni Ogie na kumanta ang misis niyang si Regine Velasquez at nagpasalamat siya sa wifey.

“Last Night’s very emotional ‘pamanhikan’. Shelley ty for coming over and giving that beautiful speech which moved everyone.

“Baba, ty for songs that delighted the guests,” sey ni Ogie sa caption.

“Markie, we miss you here. but we we will see you soon. Ty Lord for uniting the all our Families to celebrate the love of Mito and Leila.

“Special thanks also to the Sibal Family for the sumptuous dinner and drinks for everyone,” pahayag ni Ogie.

Ipinahayag din ng singer ang excitement niya sa nalalapit na pag-iisang dibdib nina Mito at Leila.

“It was a wonderful blessing for all of us and we are all looking forward to the union of you both @curtismito and @leilalcasid we love you both,” sey pa ni Ogie.

Wala pang announcement kung kailan ang kasal ng engaged couple pero mukhang magaganap ito very soon.

AUTHOR PROFILE