
Rape suspek timbog sa Iloilo
KAMPO HENERAL MIGUEL MALVAR, Batangas–Nahuli noong Sabado ang suspek sa panghahalay at dalawang counts ng sexual assault sa Guzman St., Brgy. Oñate De Leon, Mandurriao, Iloilo City, ayon sa report ni Batangas police director P/Col. Samson Belmonte.
Alas-3:30 ng hapon ng matiklo ang suspek na 19-anyos na binata at tubong Sta. Teresita, Batangas at kasalukuyang naninirahan sa Brgy. Dungon C. Mandurriao.
Nadakip ang akusado sa bisa ng warrant of arrest para sa kasong rape at dalawang counts ng sexual assault na inisyu ng Regional Trial Court, Branch 86 ng Taal, Batangas.
Nasakote ang akusado ng mga operatiba ng Sta. Teresita police kasama ang Mandurriao Police Station 5, Ilo-Ilo City sa pamumuno ni P/Capt. Val Cambel.