Default Thumbnail

Rape suspek nasa kustodiya ng pulis sa Nueva Ecija

September 15, 2023 Steve A. Gosuico 599 views

ALIAGA, Nueva Ecija–Nasa kamay na ng mga pulis ang isang 17-anyos na estudyante na suspek sa panghahalay base sa utos ng hukuman ng Cabanatuan City.

Ayon kay Aliaga police chief Major Nestor E. Fabro, naaresto ang suspek na si alyas Boy, ng Bgy. Pantoc, Aliaga dakong 1:30 ng hapon noong Huwebes.

Iniutos ng Cabanatuan City regional trial court Branch 8-Family Court noong Agosto 29 ang pagsasailalim sa hurisdiksyon ng mga pulis kay alias Boy.

Matapos ang ilang araw sa mga pulis, ipapasa ang suspek sa municipal social welfare development para sa tamang disposisyon.

AUTHOR PROFILE